Advertisers

Advertisers

Sa kabila ng krisis o pandemya… King of Talk Boy Abunda tuloy ang TV career; Patok sa Youtube at may bago pang food chain endorsement

0 455

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

THERE’S life after the closure of ABS-CBN (ngayong nagbabalik sa A2Z Channel) para sa  Nag-iisang “King of Talk” na si Boy Abunda. Yes, sa husay, magandang pagkatao at sa rami ng fans and supporters ni Kuya Boy ay tiyak na may darating na offer sa kanya na pwedeng sa kanyang mother network uli na ABS-CBN o ibang TV networks.



Samantala, one month ago lang nag-umpisa sa kanyang digital show si Kuya Boy na mapapanood nang regular sa sariling Youtube network na The Boy Abunda Talk Channel pero bukod sa 393K recent views (still counting) ng upload nitong video na BA’s Walk & Talk Lipa Farm Tour na ang nagsisilbing videographer ni Kuya Boy ay ang longtime partner in life na si Sir Bong Quintana.

Naging mabilis din ang pag-angat ng subscribers ni Kuya Boy na road to 60K subs na. Yes, unti-unti na ngang nadidiskubre ng kanyang fans ang supporters sa ABS-CBN ang YT channel ng mabait na veteran host at kapag nalaman na ito ng lahat ay siguradong aabot sa 500K to 1 million o lampas pa.

Patok sa viewers ni Kuya Boy sa buong mundo ang series ng BA’s Walk And Talk na tour ng Lipa Farm nila ng longtime partner na si Sir Bong na last Oct. 12 ay napanood ang Part 5 nito. Very natural kasi ang atake at may aliw factor ang tuksuhan nina Kuya Boy at Bong. Saka outfit kung outfit si Kuya Boy habang tino-tour ang kanyang manonood sa malawak nilang Farm na may hanging bridge ang tree house.

Ilan pa sa segment na inyong mapapanood sa nasabing digital program ni Kuya Boy ay ang “The Interviewer,” “The Blackout Convo,” “Boy Abunda Originals,” na mapapanood ang produced na BL Series ni Kuya Boy at ang kanyang hit ding “Spoken Mula Sa Puso” kasama ang Todlers o bunch of young vibrant, exciting, and intelligent guys na sina Clark, Gabbi, at Sky.

Yung latest na upload ng sikat na TV host ay yung one-on-one interview nito sa alagang si AiAi Delas Alas. Sa mga hindi pa nakaka-subscribe please subscribe sa YT Channel ni Kuya Boy and paki-like and share niyo na rin ito. May bago palang endorsement si Kuya Boy, ang popular na ring food chain na Boy Bondat, at may magandang balita sila para sa mga nais magnegosyo sa pamamagitan ng online lalo na ngayong panahon ng pandemya.



Bisitahin lang ang Facebook Page na Boy Bondat Online Franchise.

***

Tito, Vic, And Joey At Buong EB Dabarkads, Ayaw Bitawan Ng Loyal And Avid Viewers

Wow, join na rin sa Tiktok world si Bossing Vic Sotto na viral na ang sayaw kasama ang wifey na si Pauleen Luna and their little baby girl na si Tali.

Kaaliw yung Tiktok dance ni Bossing at bagets na bagets ang sayaw nito kaya marami ang naaliw na panoorin ito lalo na ang kanilang supporters o avid viewers sa Eat Bulaga.

Yes, kinaaaliwang panoorin ng dabarkads si Tali na laging kasama ni Bossing Vic sa number one segment nila sa Bulaga na “Bawal Judgemental” na hindi matalo ng katapat na noontime show. Yes, solid ang lahat ng Dabarkads sa buong bansa sa Bawal Judgemental at iba pang segments sa show na Takbuhan Sa TV, Pinoy Henyo Online, Pamilya Nunal at Juan For All All For Juan Agad-Agad na anywhere in the Philippines ay pwedeng mag-join na sa araw na nanalo sila ay pwede na agad nilang makuha ang premyong cash sa kahit saang branch ng Palawan Express na malapit sa kanila.