Advertisers

Advertisers

‘Princess of Love Songs’ Diane de Mesa may bagong lockdown concert at virtual shows

0 202

Advertisers

Ni BKC

MAY panibago na namang virtual concert ang Princess of Love Songs na si Diane de Mesa, ang  “Virtual Open Mic” na gaganapin sa Facebook Live at itinatampok ang ilang guest artists globally at kasama ang kanyang bandang the LSS Sessionists.

Bilib talaga kami kay Diane dahil kaliwa’t kanan pa rin ang virtual shows nito, maliban sa pagtatrabaho bilang isang full-time registered nurse sa Amerika ay nagagawa pa nitong maging aktibo sa musika.



Abangan din ang kanyang programa sa Pinoy Online Radio bilang DJ Diane na mapapanood din sa Facebook live. Ibo-broadcast ni Diane sa Facebook Live ang kanyang “Heart to Heart” radio show at kanyang fini-feature bukod sa kanyang mga kanta, ang mga indie artist at requests ng kanyang mga tagapakinig.

I-follow si Diane sa kanyang Facebook para malaman ang kanyang mga schedule dahil hindi ito pare-pareho bawat linggo.  Mapapanood ang Halloween special ni Diane kasama ang feng shui expert at psychic consultant na si Madam Venus sa Oct. 22 at 12pm Manila time.

Pag-uusapan ang mga kwento ng kababalaghan at maaari ring magtanong ng kanilang kapalaran ang mga guest kay Madam Venus.

Abangan din ang mga darating pang show ni Diane gaya ng Acoustic Live Session kasama ang kanyang banda na Diane & LSS Sessionists sa Nov. 13 at ang virtual concert for Christmas sa December .

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">