Advertisers

Advertisers

Piloto ng PNP chopper na bumagsak kakasuhan ng administratibo

0 270

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong “grave misconduct” ang pilot in command ng bumagsak na Philippine National Police helicopter sa San Pedro City, Laguna noong Marso 5, 2020.
Ayon kay Col. Ysmael Yu, PNP Spokesman, pormal nang nasampahan ng kasong ‘administrative’ ng grave miscoduct (Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries, Multiple Less Serious Physical Injuries and Damages to Property under Article 365 of the Revised Penal Code) ang pilot in command sa PNP Internal Affair Service noong Sept. 2, 2020.
Ang rekomendasyon ng paghaharap ng kaso ay base sa isinagawang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group Bell 429 sa pamumuno ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar matapos na bumagsak ang helicopter sa Laperal Compound sa San Pedro City.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Yu na lumalabas na nabigo ang piloto na magsagawa ng “risk assessment” bago mag-take off na isa sa mga pangunahing kailangan ng mga tulad niyang trained pilot.
Ang Bell 429 ay airwothy, base sa ipinalabas na Certification of Airworthiness ng CAAP, wala raw problema sa makina ang aircraft.
Magugunitang bumagsak ang Bell 429 sakay ang ilang high ranking police offical kabilang si dating PNP Chief Archie Gamboa matapos na sumabit sa kable ng kuryente ang buntot ng chopper sanhi ng poor visibility dahil sa makapal na alikabok sa lugar.
Noong Mayo nakalabas ng pagamutan si MGen. Mariel Magaway na isa sa mga opisyal na malubhang nasugatan, habang si MGen. Jose Ma.Victor DF Ramos ay binawian ng buhay makalipas ng 7 buwan sa pagamutan. (Mark Obleada)