Advertisers
NANIWALA ang isang abogado, Atty. Remegio “Nonoy” Rojas, tiyuhin ng babaeng pulis na nawawala simula pa Marso 2019 kasunod ng kontrobersya sa ‘PPM’ na inilibing ito sa malawak na area ng Police Regional Office o PRO-12 kasama ang kanyang motorsiklo sa General Santos City.
Ayon kay Atty. Rojas, kasalukuyang hinihintay na lamang nila ang tatayong testigo para makakuha sila search warrant sa korte. Aniya, sa kanilang imbestigasyon ay hindi nakalabas ng kampo si PO1 Cristine Joy Rojas.
Dagdag pa ni Atty. Rojas, may recorded conversation silang hawak mula sa kanyang pamangkin kaugnay sa pagpapatawag dito ng noon ay dating regional director na si Brig. General Eliseo Rasco.
Ipinatuturo diumano ni Gen. Rasco kay PO1 Rojas si Col. Manuel Lukban na si-yang mastermind ng PPM (Police Paluwagan Movement) na sa kalaunan ay tinawag ng kampo ng mga kinasuhang pulis na ‘Plan Pro Matrix’ ang pera, subali’t walang maituro ang biktima kaya ito ay pinagbantaan na aalisin sa trabaho o ipapatay.
Iniimbestigahan na ng CIDG ang kaso at idudulog sa bagong regional director, Brigadier Gen. Michael John Dubria, at kung wala parin umanong development ay ipaparating ito ni Atty. Rojas sa Senado para maimbestigahan.
Nabatid na bilyong piso ang nawawalang pera na inilagak sa PPM kungsaan si PO1 Rojas umano ang bagman ng isang opisyal ng nasabing investment scam.