Advertisers
LAGUNA – Nasawi sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Calauan Drug Enforcement Unit (DEU), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Regional Intelligence Division (RID) ang isang miyembro ng notoryus na drug syndicate at nasa listahan ng Regional High Value Individual (HVI) sa Barangay Dayap, Calauan, Lunes ng gabi.
Sa ulat ni Maj. Mark Julius Rebanal, hepe ng pulisya, kay Laguna PNP Provincial Director, Col. Serafin Petalio II, nakilala ang napatay na si Adam Quin Villanueva alyas Adam, naninirahan sa nabanggit na barangay.
Dakong 6:30 ng gabi nang magkasa ng operasyon ang tropa nina Rebanal at PIU chief Maj. Ryan Jay Orapa sa lugar, kungsaan isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer, nang mauwi sa engkwentro.
Nasawi si Villanueva habang isinusugod sa pagamutan dahil sa mga tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.
Nasamsam ng pulisya sa tirahan ni Villanueva ang limang gramo ng shabu na nagkakaha-laga ng P31,500 at isang baril.
Nabatid na napapabilang si Villanueva sa ‘Amante Drug Group’ na nag-o-operate sa sa bayan ng Calauan at lungsod ng San Pablo. (Dick Garay)