Advertisers

Advertisers

Malakanyang suportado ang anti-corruption task force sa DPWH

0 209

Advertisers

SUPORTADO ng Palasyo ang pagbuo ng isang anti-corruption unit sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kasunod ng alegasyong talamak na korupsyon.
Matatandaang noong nakaraang linggo, iniutos ni DPWH Sec. Mark Villar ang pagbuo ng Task Force Against Graft and Corruption (TAG) matapos madiskubre ng Commission on Audit (COA) ang mahigit P100 billion halaga ng delayed at unimplemented projects noong 2019.
Inihayag na rin noong una ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matinding korupsyon sa mga proyekto sa ilalim ng DPWH na kinasasangkutan ng mga project engineers at contractors.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malamang ay paunang hakbang pa lamang ito ng DPWH at kailangang bigyang pagkakataon ang task force para gawin ang kanilang trabaho.
Pahayag ni Roque, posibleng isusumite ng task force ang kanilang findings kay Pangulong Duterte na siya mismong nagsabing lantaran at systemic ang korupsyon sa DPWH.
Subalit nitong Lunes ng gabi ay inabswelto ni Pangulong Duterte si Sec. Villar sa korupsyon sa pagsasabing mayayaman at maraming pera ang mga Villar kaya hindi nila kailangang mangurakot. (Vanz Fernandez)