Advertisers

Advertisers

Early next year na… Angel binuking, fiance na si Neil, mas atat na sa kasal

0 313

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA susunod na buwan, November 2020, dapat magaganap ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, nagdesisyon ang dalawa na ipagpaliban ang  kanilang kasal.

“It’s going to be moved to early next year,” sinabi ni Neil sa panayam ng Metro.Style.



Dagdag ni Neil, “We were thinking, ‘Should we do it small?’ But that’s not us, e. We’re friends, we have a group of friends.We want everyone to be there. We want everyone to have fun.”

Sa parehong interview, ibinunyag ni Angel na mas hands-on si Neil sa wedding preparations kaysa sa kanya.

“Actually, mas bridezilla siya,” sabi ni Angel tungkol sa fiancé. “Ako kasi, ‘Yes or no’ lang. ‘Okay o hindi.’ Ganun lang ako.”

Base sa excitement ni Neil sa pagpapakasal nila ni Angel, walang dudang nagbago na nga ang plano sa buhay ng future groom, at handang-handa na itong magkapamilya kasama ang aktres.  Hindi kasi siya noon naniniwala sa kasal, hindi siya marrying type.

Siguro, sobrang mahal niya lang talaga si Angel kaya gusto niya itong pakasalan, ‘di ba?



***

NAGKAISA ang mga nakapanood ng pilot episode ng SNL ng TV5 noong Linggo sa pagsasabi, na parang ASAP ang pinapanood nila. Parehong-pareho raw kasi sa ASAP ang mga inihandang production numbers at pati ang segment.

Hindi na kami nagtataka, dahil ang direktor ng SNL ay si Johnny Manahan, na dating direktor ng ASAP. At ang karamihan sa production staff nito ay nanggaling sa nasabing musical variety show ng ABS-CBN 2.