Advertisers

Advertisers

Bagong curfew hour sa Maynila pinaiiral na

0 227

Advertisers

SINIMULAN nang ipatupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mas maiksing curfew hours.

Base sa Ordinance No. 8692 na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno, iiral ang bagong curfew ng 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga hanggang sa November 30.

Simula December 1, iiral naman ang bagong curfew hour ng 12:00 ng hatinggabi hanggang 3:00 ng madaling araw.



Ayon kay Mayor Isko, niluwagan ang curfew bilang pagtalima sa suhestyon ng Economic Development Cluster na luwagan na ang pagnenegosyo para buhaying muli ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19.

Gayunman, pinaalala parin ni Mayor Isko sa mga Manileño mag-ingat parin sapagkat nananatili pa ang banta ng COVID-19. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)