Advertisers

Advertisers

Away sa social media ng 2 grupo, nauwi sa rambol

0 244

Advertisers

NAUWI sa rambol ng dalawang grupo ng kabataan ang naging away sa social media sa Bacoor City, Cavite.
Sa kuha ng video, dalawang babae ang unang naglaban at ‘di kalaunan ay tumulong narin ang mga kakampi ng mga ito.
Sa report, naganap ang rambol sa Barangay Molino Dos sa Bacoor City nitong Sabado.
Ayon sa isa mga sangkot sa rambol na si Wendilyn Labaco, nasa labas siya ng bahay nang dumating ang kanyang mga kaibigan. Pakay daw ng mga ito na makipagbati sa isang grupong nakaaway nila dahil sa mga post sa social media pero nauwi ito sa rambulan.
Pawang may edad 13 hanggang 15-anyos ang mga sangkot sa kaguluhan.
Sa ulat, ipinatawag at ipinagharap na ang mga nagrambol sa barangay pati narin ang kanilang mga magulang.
Ayon kay barangay captain Michael Saquitan, may apat na nasaktan sa nasabing kaguluhan.(Irine Gascon)