Advertisers
Ni JERRY OCAMPO
SUPER proud girlfriend si Maine Mendoza sa nobyong si Arjo Atayde for winning the Best Actor in a Leading Role sa Asian Academy Creative Awards 2020 para sa role na ginampanan niya sa I Want series na “Bagman.”
Binati ni Maine si Arjo sa kanyang Instagram story at biniro pa niya ito kung puwedeng magpa-fansign.
“Not surprised at all. Iba talaga yung Arjo. Congrats, @arjoatayde! (puwede ba fansign?)” post ni Maine.
Sa pamamagitan din ng IG Story ay sinagot ito ni Arjo. Ini-repost niya ang pagbati ni Maine sa kanya at sinagot din ang comment niyang fansign.
“Pag nagkita tayo ha? Labas mo phone mo…no problem! Hahahahaha” bungad ni Arjo.
Ang sumunod na sinabi ni Arjo ay inaalay niya ang best actor award kay Maine at nagpasalamat din siya rito na may kasamang bonggang, “ I love you.”
“This ones for you..thank you bubs…to my inspiration…I love you super kaduper much,” mensahe ni Arjo kay Maine.
Sa kanyang separate IG post ay nagpasalamat din si Arjo para sa tinanggap na award at ipinagtapat na muntik na raw siyang mag-quit sa pag-arte dahil sa mga nangyayari ngayong taon.
“Considering everything that has gone in this year. I was honestly close to giving up this craft. I`m passionate about. But I`m taking this as a sign that things happen for a reason and what`s meant to be will be. This recognition is mine as it is of all the people who made this possible,” bahagi ng post ni Arjo.
***
NAGPASALAMAT si Ice Seguerra sa kanyang adoptive brother na si Juan Carlos Seguerra dahil on hand ito sa pag-aalaga sa kanyang mga magulang na sina Daddy Dick at Mommy Caring.
Year 2013 nang ma-diagnose na may terminal prostate cancer na ang ama ni Ice. Lahat ng treatment ay pinagdaanan na ni Daddy Dick kasama na rito ang series of chemotherapy at radiation pero kumalat na raw sa buto at iba pang bahagi ng katawan ang cancer cells kaya milagro na lang ang magpapagaling sa ama ng singer.
Pero nandoon pa rin ang pananalig ni Ice na madudugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.
“Sa kabila ng kanyang kundisyon, nakukuha pa ring magbiro ng dad ko,” pahayag nito.
Hiniling ni Daddy Dick kay Ice na bisitahin ang kanyang mga kamag-anak at ang puntod ng kanyang yumaong mga mahal sa buhay sa Calauag, Quezon.
Nagpasalamat din si Ice sa suporta ng long-time partner/wife na si FDCP Chairperson Liza Dino-Seguerra.
Samantala, ayon kina Ice at Liza ay tuloy pa rin umano ang plano nila na magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng artificial insemination. Naka-freeze na raw ang mga egg cells ni Ice at ang sperm cells ng kanilang American male donor. Ang gagawin na lang daw ay ililipat na lamang kay Liza kapag handa na itong magbuntis para sa kanilang magiging baby ni Ice.