Advertisers

Advertisers

2 miembro ng Abu Sayyaf huli ng NBI

0 263

Advertisers

NADAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Pasay City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jamar Ibi alyas Bas at Raden Jamil alyas Tamiya na kapwa sangkot sa Jehova’s Witness kidnapping noong 2002 sa Patikul, Sulu .
Kabilang din ang mga suspek sa ‘Order of Arrest’ na inisyu ng korte dahil sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom.
Ayon kay NBI OIC Durector Eric Distor, naaresto ang dalawa matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-Counter-Terrorism Division (NBI-CTD) kung saan namataan ang dalawang miyembro ng terorista.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa NBI Detention Facility. (Jocelyn Domenden)