Advertisers
PUMALO na sa 109 ang nasawi sa covid-19 sa lalawigan ng Bulacan, habang may 1,232 pang aktibong kaso, at 6,191 ang nakarekober sa kabuuang 7,532 kaso simula noong Marso.
Sa update ng Provincial Health Office (PHO) 8:53 ng gabi nitong Lunes, October 19, mayroong 27 fresh cases at 69 late cases ang nadagdag sa aktibong kaso kaya umabot na sa bilang na 1,232 ang aktibong kaso.
Nabatid na nasa 69 naman ang bagong nakarekober kaya umabot na sa 6,191 ang kabuuang gumaling sa virus.
Nadagdag naman ang apat na namatay na pasyente kaya pumalo na sa 109 ang kabuuang bilang ng mga nasawi simula Marso.
Base sa PHO, ang apat na naberipikang nasawi ay pawang late reports o ilan sa mga ito ay nasawi sa nakalipas na dalawang buwan at higit pa.
Pinaalala ng PHO sa publiko na palagiang maghugas ng kamay, magsuot ng facemask at panatilihin ang social distancing. (James de Jesus)