Advertisers

Advertisers

Sen. Go, hinikayat ang DA na iprayoridad ang agricultural training at agri-preneurship

0 200

Advertisers

HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang Department of Agriculture na gawing prayoridad ang agricultural training at i-promote ang agri-preneurship para makatulong sa recovery ng ekonomiya at mapalago ang rural development.

Ang pahayag ay ginawa ni Go kasabay ng paglalahad niya ng suporta sa 2021 proposed budget ng DA sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Go, sinusuportahan niya ang DA dahil nakikita niyang prayoridad ng DA at suportado niya ang vision ng ahensiya sa food security and resilient Philippines nang mayroong mga mauunlad na magsasaka at mangingisda.



Giit ni Go na malaki ang tiwala niya na tutuparin ng Kagawaran ang vision nito at ang pagsisikap na mabigyan ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda at masiguro ang produksyon, availability, accessibility , affordability, price stability, sustainability at food safety.

Pinuri rin ni Go ang mabilis na pagtugon ng DA para matugunan ang malaking epekto ng pandemya.

Ipinaalala ni Go na nagbigay ang DA ng financial subsidy sa mahigit 530,000 rice farmers, nagbigay din sila ng zero-interest loans sa marginalized small farmers and fisherfolks at mga agri-based micro and small enterprises.

Nanawagan si Go ng patuloy pang pinalakas na suporta para sa agriculture sector sa pagbibigay ng livelihood, food security at mapalakas ang economic activities sa kanayunan.

Dagdag ni Go lalo na ngayong panahon ng pandemya, nakita ng lahat kung gaano kahalaga ang agrikultura sa bansa at sa kabuhayan ng sambayanan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">