Advertisers

Advertisers

P2.5m ecstasy nasamsam sa Maynila

0 217

Advertisers

AABOT sa P2.5 milyon halaga ng ecstasy tablets ang nasamsam ng mga awtoridad sa 6 naarestong suspek sa buy-bust operation sa Maynila, Lunes ng madaling araw.
Hinuli ang 3 babae at 3 lalaki nang bentahan ng party drugs ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa may Remedios Circle, Malate.
Nakuha sa mga suspek ang 1,000 ecstasy tablets.
Inaalam pa ng mga pulis kung saan nakuha ng mga suspek ang droga at kung saan ito gagamitin lalo at ipinagbabawal pa ang pagdaraos ng mga party ngayong may pandemya.(Jocelyn Domenden)