Advertisers
Kahit pa sila ang bagong kampeon ay patuloy magpapalakas ang Los Angeles Lakers. Hindi sila magpapahuli sa mga karibal lalo na sa Western Conference na mas mahigpit ang labanan. Looking amazing na mag-iimprove pa.
Sasamantalahin nila habang ganado pa si LeBron James na maghabol ng korona sa NBA. Mataas pa motivation ni LBJ na makopo ang mga 2 o 3 pang titulo. Nais niyang pantayan o mahigitan pa ang 6 ni Michael Jordan.
First order of business ng mga tagapamahala ng Lakers ay mapapirma si Anthony Davis ng mahabang panahon. Tapos ang mga iba pang key player nila na responsable sa kampeonato.
Sigurado naman na yaka ni LAL executive Rob Pelinla na makumbinse si Davis. Pero tiyak maraming magiging interesado kina Rajon Rando at Dwight Howard na mag-eexpire mga kontrata. May bulung-bulungan na pwede si Chris Paul o Derrick Rose mapunta sa koponan ni Coach Frank Vogel. Lalo na si Paul na kaibigang matalik ni King James. Nais ni James na makatikim din ng singsing si Chris bago magwakas ang career.
Posible raw trade bait si Kyle Kuzma na hindi ganoon ka consistent bilang third option. Kaso kung trade bait si Kuzma sa mga beterano ay tatanda ang line-up ng prangkisa ni Jeannie Buss.
Samantala kumikilos na mga general manager ng mga hindi pinalad ngayon season. New coach, mga veteran cager at mga rookie pick ang kanilang inaasinta ngayon.
Gagawin lahat ng Golden State na masungkit ang back-to-back MVP na si Giannis Antetokounmpo mula sa Milwaukee.
Naghahanap din ang LA Clippers ng isa pang bubuo ng kanilang Big 3. Samantala susubok ulit ang Houston ng tamang pakner ni James Harden kasi di umubra si Derrick Rose o si Russell Westbrook. Ang Denver at Phoenix magma-mature pa ang mga game.
Ngunit hindi lang personnel ang kailangan upang madaig nila ang Lakers. Chemistry ang kailangan para magklik.
Tapos nakita natin kahalagahan ng depensa sa ikakatagumpay ng isang team. Two-way player ang mabenta. Mahihirapan ang mga katulad nina Isaiah Thomas at Carmelo Anthony na may disadvantage kaagad sa match-up.
Panahon ng mga GM para magtrabaho nang husto. Sa materyales muna ang diin ngayon. Saka na ang sa strategy ng mga coach.
***
Sino kaya unang matatalo sa ROS, TNT at Ginebra na pawang may kartadang 3-0 sa PBA bubble? May mag-all the way kaya sa kanila sa Finals. Hula raw ni Pepeng Kirat ay Tropang Giga at GinKings magsasagupa sa dulo. Handa raw pumusta si Pepe na na-predict na Lakers ang mananalo sa NBA. Kaso hindi pa raw niya mawari sino sa dalawa ang magwawagi sa huli. Depende raw kung walang magkaroon ng serious injury sa first five nila.