Advertisers

Advertisers

Gordon: Dapat na imbestigahan ang PhilHealth sa utang sa Red Cross

0 234

Advertisers

NAIS paimbestigahan ni Sen. Richard Gordon ang mga utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).
Sinabi ito ni Gordon matapos lumutang ang ulat na aabot sa halos P1-billion ang outstanding balance o hindi pa nababayarang balanse ng PhilHealth sa mga sinagot ng PRC na COVID-19 tests.
Nagbabala si Gordon na siya rin chairman ng PRC, sa mga opisyal ng PhilHealth na tila binabaliktad daw ang desisyon, lalo na’t ang state-health insurer naman umano ang humingi ng tulong sa PRC.
Nagpahiwatig ang senador na may mga nalalaman siya tungkol sa tinatrabaho ng PhilHealth ngayon, partikular na sa pinaniniwalaang overpriced na test kits.
Hinamon ni Gordon ang PhilHealth officials na magsampa ng kaso laban sa PRC kung talagang may pagkukulang ang non-government organization sa issue.
Magugunitang itinigil ng PRC ang pagtanggap ng COVID-19 tests na binabayaran ng PhilHealth dahil sa hindi pa raw bayad na utang ng institusyon.
Idinepensa naman ng PhilHealth na matagal na silang nakapagbayad ng higit P1-billion balanse sa PRC.