Advertisers
Laro Ngayon
AUF Gym
(4:00PM)
Magnolia vs Meralco
(6:45PM)
Blackwater vs Alaska
NAPANATILI ng Barangay Ginebra ang kanilang malinis na rekord matapos ilampaso ang Meralco Bolts 105-92, sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Bunsod nito umangat ang Gin Kings sa 3-0 kapantay ang TNT at Rain or Shine sa tuktok ng standings habang nalaglag naman ang Bolts sa 1-2.
Bumandera sa panalo ng Ginebra ang ginawang 20 points ni Japeth Aguilar habang mayroong 16 points si Stanley Pringle.
Ipinagmalaki ni Ginebra coach Tim Cone ang ipinamalas na depensa ng kaniyang koponan.
Matapos kasi ang 20-20 na score noong first quarter ay umarangkada na ang Ginebra sa mga sumunod na quarters.
Sina Allen Maliksi at Reynel Hugnatan ay umiskor ng 18 at 16 points, ayon sa pagkakasunod para sa Bolts.