Advertisers

Advertisers

Covid update: 226 gumaling; 26 nasawi; 2,638 bagong kaso

0 235

Advertisers

PUMALO na sa 359,169 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,638 bagong kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Oktubre 19.
Ang aktibong kaso naman ay nasa 42,191 na lamang ayon sa DOH.
Sa listahan naman ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ay nanguna ang Quezon City na may 141 new cases, Cavite na may 140 new cases, Laguna na may 128 new cases, Batangas na may 120 new cases at Rizal na may 108 new cases.
May naitala namang 226 na bagong gumaling mula sa covid-19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 310,303 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 26 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19. Ang 15 rito ay nasawi noong Oktubre, 2 noong Setyembre, 5 noong Agosto, at 4 noong Hulyo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,675 ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 87 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport.
Kasunod pa rin ito ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)