Advertisers
PATAY ang isang lalaki na naaresto sa iligal na droga nang “aksidenteng mabaril” sa loob ng presinto Linggo ng gabi sa Tondo, Maynila.
Inaalam pa ang pagkakilanlan ng lalaki na nasa edad 35 anyos, may tattoo sa katawan, braso at paa at katamtaman ang pangangatawan.
Sa ulat, 9:15 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng opisina ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Moriones Police Station.
Una rito, inaresto ang lalaki sa kasong droga at dinala sa nasabing presinto para sa documentation.
Habang nasa loob ng opisina ng SDEU, bigla umanong bìnunot ng lalaki ang nakatagong kalibre 22 nitong baril sa kanyang brief at pinaputukan ang isang pulis ngunit hindi tinamaan, dahilan para agawin ng pulis ang baril ng lalaki at aksidenteng pumutok sa mukha ng una.
Dinala pa sa Mary Jhonson Hospital ang lalaki ngunit hindi na umabot pa ng buhay.
Ang pulis na nakabaril sa drug suspect ay si Cpl. Caligaran na isinailalim narin umano sa imbestigasyon. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)