Advertisers

Advertisers

2 sakay ng motorsiklo kumalat ang utak nang magulungan ng 10-wheeler truck

0 262

Advertisers

NADUROG ang ulo mga ulo ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo nang matumba ang kanilang sasakyan at magulungan ng 10-wheeler truck sa national highway ng Barangay Atiplo, Mambusao, Capiz.
Kinilala ang mga nasawi na sina Vicente Caporal 27, driver ng motorsiklo; at backrider na si Aldren Delmindo, 44, kapwa residente ng Barangay Parian, Sigma, Capiz.
Sa ulat, parehong lasing ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.
Ayon sa report, pauwi na ang dalawa nang nawalan ng kontrol sa pagmaneho si Caporal nang mag-overtake ito sa sinusundang truck at natumba ang motorsiklo at tumilapon ang mga biktima sa ilalim ng truck na minamaneho ni Revel Roa, 44, ng Barangay Laboon, Maasin City, Southern Leyte.
Boluntaryo na sumuko si Roa sa pulisya.
Hindi naman tumagal, pinalabas rin ito sa Mambusao Municipal Police Station nang mangako sa pamilya nina Caporal at Delmindo na tutulong sa lahat ng mga gastos sa pagpapalibing sa mga biktima.(PFT team)