Advertisers
TINULIGSA ni Vice President Leni Robredo ang rekomendasyon ng Malakanyang na huwag isapubliko ng UP OCTA Research Group ang mga obserbasyon sa sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas.
“Hindi ko naiintindihan iyan—hindi ko naiintindihan kung bakit kailangang ilihim. ‘Di ba iyong research nga, dapat nalalaman ng tao? Dapat nalalaman ng tao, kasi public data naman iyong research,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.
Kamakailan nang sabihin ni Presidential spokesperson Harry Roque na gawing pribado na lang researchers ang pagbibigay ng rekomendasyon sa pamahalaan.
“Sana po, if the IATF itself does not make public recommendations to the President, sana the OCTA team and this is really an appeal para hindi po nagkakagulo, can also course their recommendations to the IATF privately,” ani Roque.
Pero para sa bise presidente, kaduwagan ang hindi pagpapaalam sa publiko nang resulta ng ginagawang pag-aaral ng mga eksperto.
Hindi naman daw kasi dapat mabahala ang gobyerno rito, dahil may mga pinagbasehan naman ang mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral eh.
Katunayan, magsisilbi pa umanong gabay sa pagde-desisyon ang inuulat na obserbasyon ng mga tulad nilang researchers.