Advertisers
NASAWI ang bise alkalde ng Rosario, Agusan del Sur nang sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa kasalubong na truck sa Padigusan, Barangay Sta. Cruz, Butuan city nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Concordio “Coldo” Ocite, vice mayor ng bayan ng Rosario.
Ayon sa ulat, lulan si Mayor Coldo ng kanyang kulay itim na motorsiklo nang sumalpok ito sa nakasalubong na cargo truck na nagresulta sa kanyang pagtilapon.
Nadala pa sa ospital ang opisyal ngunit idineklara itong dead on arrival.(PFT team)