Advertisers

Advertisers

PBA: Teng, Casio susi sa panalo ng Alaska vs Magnolia

0 206

Advertisers

Laro Ngayon
AUF Gym
4:00PM) TNT vs. Phoenix
(6:45PM)
Terrafirma vs
San Miguel

TINULDUKAN ng Alaska Aces ang kanilang dalawang sunod na kabiguan matapos ang 87-81 pagdomina sa Magnolia Aces sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Hawak ang 76-75 abanse sa huling 3:31 sumandal kay JVee Casio ang Aces na pumukol ng 3-pointer sa nalalabing 2:41 para ilayo ang koponan.
Bagama’t nagawa pa ng Hotshots na makalapit sa 80-79 matapos ang jumper ni Jio Jalalon sa natitirang 1:47, sumagot ng triple si Mike Digregorio para ibigay sa Alaska ang 83-79 abante sa huling 54 segundo.
Pero ayon kay Aces head coach Jeffrey Cariaso, kailangan pa nilang mahasa ang kanilang consistency sa range.
“It’s a part of how we do things we have the team right now who can put up numbers from three, but it’s really establishing ourselves,” wika ni Cariaso.
“I still really feel we lack rhythm our flow is still inconsistent. Just going into the game you don’t know what you’re expecting, but we try to be our best.”
Namuno sa opensa ng Aces si Jeron Teng na may 19 points at anim na rebounds, habang nagdagdag ng 17 points si Casio.
Tumipa naman ng 16 points at limang assists si Marc Barroca para sa Hotshots, na nalaglag sa 1-2, kapareho ng Aces.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">