Advertisers

Advertisers

Parak na gamit ang karnap na kotse, sibak!

0 227

Advertisers

IPINAG-UTOS ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major Gen. Debold Sinas, ang pagsibak sa puwesto sa police official na nahuling minamaneho ang isang carnapped vehicle.
Matatandaan na nitong Biyernes ng umaga nang inaresto ng mga tauhan ng PNP-HPG (Philippine National Police-Highway Patrol Group) ang pulis na si Master Sgt. Danilo R Pacurib, 47-anyos.
Kasalukuyang nakatalaga si Pacurib sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng NCRPO, gayundin sa Payatas Bagong Silangan, Police Station 13 ng Quezon City Police District bilang Station Drug Enforcement Unit operative.
Sa ulat, patungo na sa kaniyang trabaho si Pacurib nang masabat ng mga tauhan ng HPG na minamaneho ang isang “hotcar” na black Hyundai Sta Fe na improvised ang plaka.
Nahaharap si Pacurib sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti Carnapping Law) at Presidential Decree 1612 (Anti-Fencing Law).
Nakatakda pang isailalim sa inquest proceedings ang pulis at isinailalim sa drug test.
Hinahanda narin ang pre-charge investigation and summary hearing procedure laban kay Pacurib, at inaalam narin kung sinu-sino pa ang mga kasabwat nito.
Muling binalaan ni Sinas ang lahat ng mga tauhan ng NCRPO na gumagamit ng mga “recovered carnapped” vehicles para sa kanilang personal, na mananagot ang mga ito at sasampahan ng kaukulang kaso. (Gaynor Bonilla)