Advertisers
Manila’s Finest Retirees Association Inc. (MFRAI ) na kinabibilangan ng mga MPD Retirees na naglingkod sa Lungsod ng Maynila sa mahabang panahon at mapalad na nakapagretiro sa Manila Police District. Ang MPD ay respetado sa buong Pilipinas, maging sa ibang bansa na kinabibilangan ng mahuhusay na pulis sa larangan ng peace and order lalo na sa kanilang Criminal Investigation. Ang mga legendary cop tulad nila yumaong Mayor Fred Lim, yumaong Senator Robert Barbers, Ret. Col. Lucio Margallo, Ret. Gen. Vicente Vinarao, yumaong Col. Lagasca , at marami pang iba ay naisapelikula, true to life story, ang buhay nila dahil sa kanilang kahanga-hangang buhay bilang alagad ng batas.
Nasa history na ng Manila’s Finest ang kanilang panahon sa pagiging Pulis Maynila. Ang MLAs Finest Retirees Association Inc o MFRAI ay itinatag para naman sa pagkakaisa ng mga Retirado Pulis Maynila upang pangalagaan ang karapatan at benipisyo ng mga Retirado Pulis Maynila. Ang opisina nito ay nasa loob mismo ng MPD HQ na ibig sabihin ay ginagalang ng pamunuan ng MPD mula’t sapul ang samahan ng mga Retirado Pulis Maynila. Sa darating na October 30, 2020, Biyernes, 9:00 am hanggang matapos ang botohan para sa Board of Directors ng samahan. Si Ret. Col. Kaboboy Cabasal ang Elecom Chairman ng MFRAI Election, isang respetado opisyal ng MPD. Nagpasalamat ang MFRAI kay MPD Chief Gen. Rolly Miranda sa kanyang pahintulot at suporta sa MFRAI Election kung saan pinagagamit pa niya ang MPD Multi Purpose Hall kung sakali hindi angkop ang dadalo sa election, napakabait ni Gen. Miranda may puso sa mga Retiradong Pulis Maynila. Kinausap nila bro Claro Bacolod at bro Virgo Villareal na kung pwede magamit ang MPD Multi purpose Hall, wala kagatol-gatol na pinayagan ng butihing general, sir we salute you for that.
Sa mga kapwa ko MPD Retirees, sa October 30 ay bumoto po tayo, tiniyak naman ng samahan na ipatupad ang safety protocol na physical social distancing, wearing of face mask, face shield at pagdadala ng alcohol at pag-sanitize ng lugar ng botohan. Panahon na para sa bagong liderato ng samahan, dahil madami pang ipaglalaban na karapatan at benipisyo ang bagong BOD. Ang magandang response ng mga MPD Retirees na nasa ibang bansa, sa Mindanao, iba nasa Bulacan, Pampanga ay naipahatid sa aking FB post ang pagsuporta sa bagong MFRAI BOD, maraming salamat po bro and sis sa inyong suporta sa samahan. Mahalaga suportahan ang samahan upang mapalago, mapaunlad at mapalakas ang samahan. Bagong Board, bagong members, bagong pag- asa ang October 30, 2020 MFRAI Election, in God we Trust!
PSALM 118:11-23
They surrounded me on every side, but in the name of the Lord, I cut them down. They swarmed around me like bees, but they were consumed as quickly as burning thorns, in the name of the Lord, I cut them down. I was pushed back and about to fall, but the Lord helped me.