Advertisers
INANUNSYO na ng gobierno ang paglarga ng sabong simula next week. Kailangan lamang daw sumunod sa ilang protokol dito para maiwasan ang paglaganap uli ng mapamuksang coronavirus-2019.
Pero nilinaw ng gobierno na mga lisensiyadong sabungan lamang ang puwede mag-operate at subject ng pagmo-monitor ng local government unit (LGU).
Ilan sa protokol dito ay ang pagsuot ng facemask at face shield ng lahat ng papasok sa sabungan, paghugas ng alkohol sa gate, kukunan ng body temperature at social distancing sa pagitan ng mga manonood/mananaya.
Larga!
***
Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na sabungan lamang ang pinapayagan mag-operate, hindi ang online sabong.
Oo! Iligal ang online sabong, ayaw itong payagan ng Philippine Amusement ang Gaming Corporation (PAGCOR). Sasakit lang daw kasi ang ulo nila rito, mahirap kasing i-monitor lalo’t hanggang labas ng bansa ang betting online dito.
Sa Facebook ay napakaraming website ng online sa-bong. Pinalamalaki o ang may pinakamalawak na opera-syon dito ay ang kay “Atong” Ang, ang kilalang gambling lord na nakadikit sa kahit sinong presidente ng Pilipinas.
Ang online sabong ni Atong ay worlwide na. Milyon milyong piso at dolyares ang kita niya rito bawat opera-syon. Kung ikaw miyembro na ng kanilang grupo, ino-notify ka lang kung may “derby”, online din ang tayaan gamit ang GCash o PayMaya. Lupet!
Kaya iligal ito dahil walang permiso ng gobierno, walang tax na binabayaran. Parang jueteng din ni Tony Kho sa Pangasinan.
Speaking of jueteng, kasabay ng pagbalik-operasyon ng Small Town Lottery (STL), nagsimula narin ang mga jueteng operation sa Central Luzon, Northern at Southern Tagalog. Ginagamit nilang front ang STL. Alam ito ng tanggapan ni Chief PNP Carmilo “Pikoy” Cascolan. Pero dedma lang si Chief. You know!!!
***
Lantarang binanggit sa publiko ni Pangulong Rody Duterte na grabe parin ang talamak sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sabi ni Digong, bago magsimula ang proyekto, ang mga engineer ng proyekto ay kumamal na ng malaking halaga mula sa kontraktor.
Gayunpaman… buo parin daw ang tiwala niya kay DPWH Sec. Mark Villar, anak nina Senadora Cynthia at dating Senate President Manny Villar.
Kayo, mga suki, naniniwala ba kayo na ‘di sangkot sa nangyayaring korapsyon sa DPWH si Sec. Villar?
Puedeng hindi sangkot sa korapsyon si Sec. Villar dahil No. 1 billionaire na ang kanyang pamilya. Sobra sobra na ang kanilang kayamanan. Ewan lang…
Pero ang katotohanan… walang mahirap na opisyal sa DPWH. Provincial engineer nga lang mga multi-millionaire na! You know!!!
***
12 months nalang filing na ng certificate of candidacy (COC). Pero wala pang nagpaparamdam sa mga kakasa sa presidential derby, unlike before na 3 years bago ang eleksiyon ay nag-aanunsyo na ng pagtakbo ang mga gusto maging lider ng bansa. Bakit kaya? Dahil siguro takot mahiritan lalo’t may pandemya ng covid. Let’s see next year. Abangan!!!