Advertisers

Advertisers

Lalaki nagpanggap na pulis, nanutok ng baril

0 270

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang magpakilalang pulis at tutukan ng baril ang tricycle driver sa Las Piñas nitong Sabado.
Kinilala ang suspek na si Roger Faura, 51, residente ng San Juan City.
Ayon sa biktimang si Roger Nuñez, nakasagutan niya si Faura at bigla nalang itong bumunot ng baril at agad siyang tinutukan.
Nang respondehan ng mga operatiba ng Las Piñas Police, nakumpirmang nagpapanggap lang na pulis ang suspek, na isa lang palang personal bodyguard.
Nakumpiska kay Faura ang isang kalibre 40 na baril at 29 bala.
Bagaman awtorisadong humawak ng baril ang suspek, mahaharap parin siya sa mga kasong physical injury, grave threat at usurpation of authority dahil sa panunutok at pagpapanggap.(Gaynor Bonilla)