Advertisers

Advertisers

Juday nagreak sa pagreretiro ni Sharon sa showbiz; Sunshine kanta ang b-day gift sa labs na si Macky

0 254

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL lock-in taping ang uso ngayon,  isa  sa nakaranas nito ay si Sunshine Cruz para sa bagong programa na “Bagong Umaga.”

Sa nakaraang birthday ng jowaers ni Sunshine  ay wala ngang chance para magkita sina Shine at bf na si Macky Mathay dahil sa lock-in taping.



Fourty something na rin si Macky nung kaarawan nito at isang kanta ang inihandog ni Sunshine na ibinidyo pa nito.

Inamin ni Shine na inaral at sobrang praktis ang ginawa nito sa fave song ng bf na isang classical song na inawit pa ni Dina Bonnevie, ang “Bakit Ba Ganyan” na composed ng ex-mister nitong si Bossing Vic Sotto.

Marami ang kinilig sa song ni Sunshine para sa bf.

Apat na taon na rin  ang relasyon nina Sunshine at Macky at puwede na ring magbuo ng sariling family.

Ayon naman kay Sunshine, ini-enjoy raw muna nila ang kanilang relasyon bilang magdyowa.



Gusto rin ni Sunshine na bago pa man mag-settle down ay mabigyan niya ng magandang buhay at matutukan ang tatlong anak nila ni Cesar Montano.

Very suppportive naman si Macky sa showbiz career ng gf na kahit bertdey niya at may work si Sunshine ay oks lang sa una.

***

SA hugot ni Sharon Cuneta sa kanyang IG post tungkol sa kanyang early retirement sa showbiz, hindi naman napigil ni Judy Ann Santos na mapareak.

Kung magreretiro na nga raw si Megastar eh paano na anya  ang movie nila nina Regine Velasquez-Alcasid.

Nakasama na ni Juday si Sharon sa movie na “Magkapatid” na tumabo sa takilya.

At first time nga lang nina Juday at Regine magsasama in one film kung sakali.

First time lang nga raw magsasama ang Soap Opera Queen at Asia’s Songbird,  dagdag pa ang Megastar.

Para kay Juday, marami pang project ang magagawa ng kanyang Ate Shawie.

Paliwanag naman ni Sharon, hindi naman daw na parang bula na lang siyang mawawala.

May mga project pa raw siyang natanguan kaya mase-seen pa rin ito sa kahit na anong platform na in na in ngayon bukod sa telebisyon.

Well, well, well…’Yun na!