Advertisers

Advertisers

Covid update: 14,941 gumaling; 50 nasawi; 2,379 bagong kaso

0 504

Advertisers

NASA 356,618 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,379 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Linggo, Oktubre 18. Sa nasabing bilang, 39,808 na lamang ang aktibong kaso. Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 444, Region 4A na may 317, Region 3 na may 181. Nakapagtala naman ang DOH ng 14,941 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 310,158 na ang mga gumaling. Nakapagtala rin ang DOH ng 50 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,652 na ang kabuuan. May 99 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 84 dito ay recovered cases at isa ang namatay. Samantala may 11 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)