Advertisers

Advertisers

Chito Miranda proud sa wais na misis na si Neri

0 201

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PURING-puri ni Chito Miranda ang kanyang misis na si Neri Naig dahil sa pagiging maabilidad nito.

Aniya, proud daw siya sa bagong achievement ng kanyang  wifey,



Sa tulong daw ni Neri, nakabili raw sila ng bagong property kahit sa panahon ng pandemya.

Ang bagay na ito’y ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

“Bumili si Neri ng 6000sqm na lupa…langya. Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman yung mga gusto kong baril. Pero di ako makakabili ng 6000sqm na lupa. “She did this, after nya bilin yung lupa dito sa village na gusto ko, at yung condo nya sa Pico de Loro. Grabe. Tawagin nyo nang pagmamayabang dahil pinagmamalaki ko yung ginagawa ng asawa ko, or sabihin nyo nang naiinggit ako dahil mas malaki na yung income nya compared to what I was making, even before the lockdown started…ok lang.

“For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements nya yan…not mine), and instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing.

“Katas yan ng tuyo at kape…at ng suka, at ng beddings, at ng affordable na alahas, pajama, and soon, her own online shop. And recently, nakabenta sya ng 15 na lupa in less than a week…by utilizing her #teamwais network of resellers and distributors by making them referral agents for a licensed real estate company.



“All this was done online. At kung sasabihin ng iba na si Neri lang naman yung umuunlad, at dahil artista kasi sya…ang tanong ko is: una, sobrang sikat ba ni Neri to entirely use that as an advantage? At baka di lang din nila nabalitaan yung isang reseller ni Neri na nakabili ng dalawang sasakyan (isang car at isang van na pampick-up at pan-deliver ng tuyo) at yung isa naman na nakabili ng townhouse.

“Hindi artista yung mga yun, and online selling lang din yung ginawa nila…pero t*ngina, sobrang sipag nung mga yun. Bakit ka mahihiya mag-benta online, eh kung makakabili ka naman ng dalawang sasakyan? Mahihiya ka ba na panay benta mo sa FB at IG, pero may townhouse ka naman?

“Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba, at handa kang tutukan at paghirapan yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din yung ginagawa nila. #WaisNaMisis Ako honestly, na-inspire na din ako gawin yung ginagawa ng asawa ko…actually, gusto ko syang tapatan! Gusto kong bumili ng mas malaking lupa hehe! Tara…gawin na natin ‘to.”