Advertisers

Advertisers

Cayetano inalok maging Dep. Speaker ni Velasco

0 232

Advertisers

INALOK ni bagong House Speaker Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang dating katunggaling si Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano upang maging isa sa mga deputy speakers ng Kamara o hindi kaya’y maging chairman ng isang congressional committee.
Tiwala umano si Velasco na sa kabila ng naging girian nila ni Cayetano ay karapat-dapat pa rin itong magkaroon ng posisyon lalo’t nagsilbi naman itong speaker ng mababang kapulungan.
Siniguro rin ni Velasco na walang magagalaw sa mga deputy speakers at committee chairman hangga’t hindi pa bumabalik ang sesyon ng Kamara hanggang sa susunod na buwan.