Advertisers

Advertisers

‘Bully’ na sekyu binaril-patay ng kabaro

0 237

Advertisers

PATAY ang isang sekyu nang barilin sa ulo ng kanyang kabaro dahil sa pagiging alaskador nito sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Steven Morales, 41, security guard sa RAN PMC Compound, at taga 27 St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City.
Naaresto ang salarin na si Lemuel John Estrida, 29, ng Barangay Camangyanan, Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa ulat, nangyari ang krimen 7:10 ng gabi ng Sabado sa loob ng naturang compound sa 1613 A. Rivera st. corner Mayhalgue St., Tondo.
Nauna rito, nilapitan umano ng biktima ang salarin na naka-duty at ilang beses sinabihan nang “umayos ka malapit ka na sa akin!” .
Matapos pagsalitaan ng biktima ang salarin, bumalik din ito sa kanyang assign post.
Ngunit napikon umano si Estrida sa biktima kaya pinuntahan nito sa kanyang puwesto at pinagbabaril.
Mahaharap si Estrida sa kasong murder. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)