Advertisers

Advertisers

ALL IS WELL THAT ENDS WELL NA BA SA KAMARA?; SAP NEGA PA SA BARANGKA; ROLDAN’ S GOOD GOVERNANCE

0 221

Advertisers

THE end na ang teleserye ng mga magkakatunggali. kakampi, kasalungat, kadinastiya, kakulay at kahunyango sa Mababang Kapulungan na hitik sa aksyon, drama, komedya at gulangan.

Ang pinag-awayan: SPEAKERSHIP lang naman.Ang apektado, pambansang BUDGET at sambayanan. Mabuti na lang, ang Pangulo na ang namagitan bagama’t siya ay nalusutan ng GULANG ng mga nanaig sa puwestuhan, ang bottomline ay natuloy ang deliberasyon at naipasa on time ang pambansang pondo kundi ay malalagot kayo sa Pangulo at sa tao.

Nairaos na ng Kamara ang ikatlong BASA at ipapasa na ang bola sa Senado kaya tiyakin lamang na walang mangyayaring insertion na magiging ugat ng kurapsiyon na siyang dahilan ng tug- of-war na agawan ng puwesto para makadale ng malaking pondo sa kanilang nasasakupan upang bumango sa darating na halalan.



Matapos ito ay saka niyo na ayusing maibalik sa pedestal ang mantsadong imahe ng institusyon ng mga distinguished gentlemen ng House of Representatives…All is well that ends well na ba?..ABANGAN!!!

SAP SA BARANGKA, MARIKINA, NEGA PA!

ANG isang araw na paghihintay ay dusa na. Paano kung abutin ng linggo o buwan o kawalan ng katiyakan kung kailan makakamtan (ikalawang bugso) ng mamamayan ang ayudang galing sa pamahalaan na pinagkatiwala sa DSWD at LGU sa barangay na nagdulot lang ng kalituhan. Ayon sa DSWD, upang mapabilis ang pamimigay ng SAP ay sa modernong kompyuter na ang sistema pero ang siste ay lalong naging usad-pagong at palpak dahil mas hirap sila sa transaksyon sa bangko kesa noong una sa barangay.

Kaya ibinalik daw uli sa barangay ang pamamahagi sa mga namumuting matang naghihintay ng ayudang ayaw na yatang ipamahagi at hihintayin na lang ang MGCQ sa NCR para me dahilang di na pamudmod sa tao ang SAP. Ganito ang ipinarating na reklamo ng mga taga-Barangka sa Marikina at maraming bahagi ng Metro Manila. Kailangan nang ma-loyalty check ang mga taga DSWD at LGU dito dahil hinihila nila pababa ang Pangulo.. AA’SAP’ABA ANG BAYAN? Malaking katanungan kung kelan!?

GOOD GOVERNANCE KAISA
ANG FPA NI ROLDAN



SA kanyang walang bahid na track record mula pribadong kumpanya at ahensya ng pamahalaan ay naging napakadali kay G. Wilfredo Roldan ang maglingkod ng tapat at walang pag-imbot kaya naman isa siyang ‘gem’ sa mga ahensiyang pinaglingkuran.

Saksi ang korner na ito sa kanyang mahusay na serbisyo noong opisyal pa siya ng Philippine Sports Commission (PSC)at ngayong executive director siya ng FPA na nasa payong ng Department of Agriculture.

Sa kanyang timon sa Fertilizer and Pesticide Authority ay maipagmamalaking isa ang ahensiya sa tumatalima sa Good Governance at Zero Corrupt Agency na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng kawani at opisyal ng pamahalaan. Well done E.D. ROLDAN!!!

Lowcut: Advance happy birthday kay businessman /sports patron Daniel ‘ Boy Francisco ng SPARE & STRIKE (Evangelista, Bangkal, Makati City) – dating national duckpin bowling champion at enthusiast sa larangan ng basketball, chess, billiards at bowling. Wish ng korner na ito ng marami pa niyang kaarawan, malusog na pangangatawan at malaking puso sa mga taong nangangailangan lalo sa larangan ng palakasan. All the best CHAMP!