Advertisers

Advertisers

3 barangay sa Cagayan natabunan ng lupa

0 267

Advertisers

TATLONG barangay sa lalawigan ng Cagayan ang natabunan ng lupa o landslide, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD)-Region 2.
Ayon kay Michael Conag ng OCD-Region 02, ang tatlong Barangay ay kinabibilangan ng Dalin, Dalla at Asinga sa bayan ng Baggao ng nasabing lalawigan, kungsaan isang bahay ang nasira.
Sa ngayon, nasa maayos nang kalagayan ang dalawang indibidwal na nakatira sa naturang bahay na residente ng Brgy. Asinga dahil nakapagsagawa ng pre-emptive evacuation ang mga opisyal ng Local Government Unit (LGU)-Baggao bago ang pagguho ng lupa.
Sa report, hindi parin madaanan ang ilang tulay kasama na ang Bagunot overflow bridge sa Baggao.
Hindi rin madaanan ang Cabagan-Santa Maria overflow bridge at Alicaocao bridge sa Isabela maging ang Pinacanauan national Tuguegarao road dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Kaugnay nito, pinayuhan ang mga motorista na iwasan munang dumaan sa mga nabanggit na tulay at kalsada para makaiwasa sa anumang insidente o disgrasya dahil sa patuloy na pag-apaw ng tubig at pagguho ng lupa sa lugar. (Rey Velasco)