Advertisers
Laro Ngayon
AUF Gym
(4:00PM) Rain or Shine vs. NorthPort
(6:45PM) Ginebra vs. Meralco
MINASAKER ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beermen 107-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Pinamunuan ni Poy Erram ang opensiba ng TNT sa kinamadang 27 points, habang si Ray Parks nag-ambag ng 22 points at mayroong 16 points si Troy Rosario.
Sa simula pa lang ay hindi na pinaporma ng TNT ang Beermen.
Nangangamba rin ang Beermen na baka hindi makapaglaro ng matagal si Terrence Romeo na itinakbo sa pagamutan matapos ang makabangga si Ryan Reyes kung saan nasaktan ang kaniyang balikat.