Advertisers
NAG-ABISO si Joint Task Force COVID shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa publiko na mananatiling iligal ang operasyon ng online sabong hangga’t walang inilalabas na guidelines tungkol dito ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa kabila ito na pumayag na ang IATF na tanggalin ang ban ng sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Inihayag ito ni Eleazar dahil na rin sa mga natatanggap na reports ng Philippine National Police (PNP) sa dumadaming online sabong sa internet.
Hinikayat din ni Eleazar ang mga operators at manlalaro na hintayin ang ilalabas na guidelines ng IATF bagong nila simulan ang kanilang operasyon. (Josephine Patricio)