Advertisers

Advertisers

Heart naiinsekyur kahit maganda at mayaman; Carmina nahilo at nasuka nang magpa-swab test

0 228

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MARAMING  naaliw  sa pinost  ni  Carmina Villarroel  sa  kanyang  YouTube channel  nang  magpa-swab test  siya  at  kanyang  pamilya.

May  gagawin kasi silang  endorsement ng pamilya  at  isa sa requirement  ay  kailangan  muna  silang  magpa-swab test  para siguraduhin  na negative  sila  sa Covid-19.



Hindi  naitago  ni  Carmina  na  takot  siyang  magpa-swab test dahil  first time niya  ito gagawin. Katunayan ay hindi raw siya nakatulog  sa  kakaisip  sa kanyang  magiging  swab  test.

“Guys,  hindi  po ako  nakatulog  kagabi  kaya  masakit  ang  ulo  ko dahil  kung  talagang  kakilala  ninyo  ako,  isa po akong matatakutin  at  nerbiyosa. Super!” say ni Carmina.

Ang kambal  na sina Mavy at Cassy  ang unang nagpa-swab  test. Ikalawang beses na ng kambal  ito kaya cool lang sila habang ginagawa  ang  test. Tapos ay si Zoren naman ang sumunod  at  sa kabibiro  kay  Carmina  ay  lalo  itong  ninerbyos.

Nang  si Carmina  na ang sasalang sa swab test ay ilang minuto muna ang hinintay bago ito sumalang sa test.

“Nahihimatay  na  ako  at  nasusuka  na ako  sa  nerbiyos,” say  pa ni Carmina habang panay ang cheer  nina Zoren at kambal  na kaya  niya.



“Injection  nga   na  masakit  kaya  mo, eh swab test  lang  yan. Para  ka lang nangulangot!”  pagbihiro pa ni Zoren kay Carmina.

Nawala lang ang kaba at takot ni Camina nang matapos na ang kanyang swab test.

Ang  dapat sigurong abangan  at  pangambahan ng Legaspi family ay ang magiging  resulta ng swab test.

***

KAHIT  ang Kapuso actress na si Heart Evangelista  ay  nakararanas  din ng  insecurities  sa  pandemic na  dinaranas  ngayon  ng buong mundo.

Ibinahagi  ni  Heart  sa kanyang  Facebook  live  na, “Love Yourself  Live! How Self-Love Can Save You,” na naging  people-pleaser  siya.

Kahit  noon bata pa raw siya ay nakararanas  na  siya  ng insecurities.

“I  was  such  a  people pleaser,  I mean, I  still  am  because  I  want  to make people  happy,  but I make sure  to make  time  to make myself   happy  too.  Pero  we all have problems. We  all have our  crosses  to  carry,” patuloy pa ni Heart.