Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SA GMA Entertainment Viber Community, ikinuwento ng ‘Bubble Gang’ boys na sina Paolo Contis, Mikoy Morales, Archie Alemania, Sef Cadayona, at Betong Sumaya kung ano ang sikreto sa likod ng tagumpay ng comedy show.
Para sa kanila, malaking bagay raw ang teamwork at abilidad nilang mag-adapt sa panahon.
“I think kaya kami swak sa isa’t isa ay dahil magkakaibigan kami at may respeto kami sa isa’t isa. Kahit feeling n’yo wala, meron!” pabirong hirit ni Paolo.
“We take our comedy seriously. We try na mag-adapt sa mundo kaya 25 years and counting ang Bubble Gang. Hindi siya madali. Lahat ng ginagawa namin ngayon ay may kinalaman na sa new normal, adapt lang ng adapt.”
Dagdag ni Mikoy, “Totoo ‘yun, actually. May lambing din talaga ‘yung asaran sa’min. ‘Pag hindi ka inaasar, ‘di ka mahal. Pero honestly, ‘yung pagiging seryoso ng show sa comedy [ang sikreto].”
Samantala, ipinahayag naman nina Betong, Sef, at Archie na dream come true at achievement ang mapabilang sa cast ng ‘Bubble Gang’ hanggang ngayon.
Patuloy na subaybayan ang ‘Bubble Gang’ tuwing Biyernes, 10:00 p.m. sa GMA Telebabad.
***
Direk Gina Alajar, ibinahagi ang mangyayari sa character ni Sofia Pablo sa ‘Prima Donnas’
Sa latest vlog ni Aiko Melendez, ibinahagi ni Direk Gina Alajar kung ano ang mangyayari sa character ni Sofia Pablo sa ‘Prima Donnas’.
Noong nakaraang buwan, naglabas ng statement ang GMA Entertainment na hindi makakasama si Sofia sa lock-in taping ng serye alinsunod sa guidelines ng Department of Labor and Employment na hindi pa maaaring magtrabaho ang mga minor na 15 years old pababa.
Panimula ni Direk Gina, “I want to take this opportunity to clarify things kasi maraming [nagtatanong] about Sofia, kung bakit hindi na natin kasama. Well, the decision para mawala si Sofia sa show is not ours kasi kung kami ang masusunod, ayaw namin because Sofia is part of the show and we all love her.
“But then, mayroong mga kailangan kaming sundin na rules from DOLE.”
Dagdag ni Direk, “Nagkaroon po kami ng malaking malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve [ito] but at the end of the day po, kailangan namin sumunod kaya po nawala si Len-Len (Sofia’s character). Pero hindi siya nawala totally. Nawala lang siya physically but she’s being talked about. ‘Yung pangalan niya ay laging nababanggit sa show, hindi po namin siya pinatay.”
Samantala, patuloy na napapanood ang recap ng ‘Prima Donnas’ sa GMA Afternoon Prime.
***
Winwyn Marquez ipinasilip ang kanyang military uniform
Excited na ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez na maging ganap na military reservist sa ilalim ng Philippine Marines. “A few more weeks,” post niya sa kanyang Instagram story habang ipinapakita ang kanyang military uniform.
Ang kakayanan daw na maprotektahan ang kanyang pamilya at bayan ang nag-udyok kay Winwyn para sumali ng Army Reserve Command.
Aniya, “Pero, the biggest factor was ‘yung sinabi na you can serve your country, and you can serve people. Dun pa lang hindi na ako nagdalawang-isip kasi my heart is for service. I’m not sure if people noticed this, but ‘yung path ko laging papunta doon.”
“Yes, I’m a beauty queen pero I see this as a new title, and I’m proud to share this with everyone — that I’m gonna be a reservist under the marines,” dagdag pa niya.
Samantala, puring-puri si Winwyn ng netizens sa epektibo niyang portrayal bilang mistress sa GMA drama anthology na ‘I Can See You: High-Rise Lovers’. Siya ang pumapagitna sa relasyon ng mag-asawang sina Samantha (Lovi Poe) at Luis (Tom Rodriguez). Tutukan ang pagtatapos ng kanilang kwento bukas (Oktubre 16), 9:15 pm sa GMA Telebabad.