Arjo ‘waging best actor sa Asian Academy Creative Awards; Ianna 18 na pero ‘no time for love’ pa rin
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
BONGGA si Arjo Atayde, huh! Hindi lang kasi sa Pilipinas kinikilala ang husay niya sa pagganap kundi maging sa ibang bansa rin.
Sa taunang pagbibigayan ng awards ng Asian Academy Creative Awards ay siya ang nanalo bilang Best Actor in a Leading Role para sa mahusay niyang pagganap sa Bagman. Congratulations Arjo.
Ang pelikula naman nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello Love Goodbye ay wagi ng tatlong awards na Best Feauture Film, Best Direction at Best Original Screenplay.
***
NOONG March ng taong kasalukuyan ay 18th birthday ng mahusay na singer na si Ianna Dela Torre. Pero hindi siya nagkaroon ng malaking selebrasyon dahil sa pandemic.
Instead, ang ginawa niya ay nag-share ng blessing sa kanyang followers/fans sa pamamagitan ng isang dance challenge para sa kanta niyang “Pinapa” na carrier single mula sa kanyang debut album under Star Music.
“‘Yung manager ko na si Tito Joel (Mendoza) saka ‘yung family ko, nag-decide na maglaan ng funds para matulungan ‘yung mga Kababayan natin ngayong pandemya. Gusto ko lang mag-share ng positivity at love gamit ‘yung kanta,” ani Ianna.
Ang “Pinapa” ay sinulat ni David Dimaguila, na tungkol sa millennial love-hate relationship.
“’Yung meaning po ng ‘Pinapa’ sa song ay ‘pinapatawad,’ ‘pinapakilig,’ ‘pinapasaya.’ Ang tumatak po sa akin ‘yung ‘pinapatawad,’ kasi kahit marami pong nagagawang masama sa atin, magpatawad po tayo at mag-spread ng good vibes,” aniya pa.
Kahit 18 na si Ianna ay hindi pa siya handa na pumasok sa isang relasyon. Focus muna siya sa singing career at sa kanyang pag-aaral, kung saan ay senior high school siya sa St. Paul Pasig.
Pero sa kabila ng wala pang pinagdaanang hindi maganda sa larangan ng pag-ibig dahil nga hindi pa nagkaka-boyfriend, feel na feel ni Ianna at parang nakaka-relate siya sa kanta niyang Pinapa at sa second single niyang Wala Kang Kapalit. Mula naman ito sa panulat ni Joel, na kilala rin bilang isang mahusay na singer bukod pa nga sa pagiging composer.
“Nu’ng binigay po sa akin ni tito Joel ‘yung mga kanta, kinwento niya sa akin yung istorya ng mga ‘yun. Ang ginawa ko po, pinag-aralan ko yun nang mabuti. Dinamdam ko yung bawat lyrics ng song. Isinapuso ko,” paliwanag ni Ianna.
Kahit hindi pa handa na makipag-boyfriend ay nagkaka-crush naman si Ianna. At si Daniel Padilla ang showbiz crush niya.
“Gwapo po kasi siya at mahusay umarte. Fan po ako ng Kathniel (Kathryn Bernado-Daniel),”
Si Sarah Geronimo naman ang hinahangaang singer ni Ianna.
“Bata pa lang po ako ay idol ko na talaga si Ms. Sarah. Meron nga po akong mga old CD’s niya. Pagdating po sa acting, magaling din po siya. Total entertainer po siya.”
Samantala, nalaman na ang mga nanalo para sa #PINAPADanceChallenge na nasungkit ng Mastermind ang 1st place na may 284K YouTube at Facebook views, shares, at comments.
Sinundan naman sila ng 2nd placer na Sugar and Space na may 121K YT at FB views, shares, at comments. At ang 3rd placer ay ang Kwader Knows na nakakuha ng 89K YT at FB views, shares, at comments. May 10 sumali rin ang nakatanggap ng consolation prizes, habang ang PHILXPOSE naman ang nanalo bilang “Most Creative Concept Dance Challenger.”
Panoorin ang dance video ng “Pinapa” at pakinggan ang debut album ni Ianna sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).