Advertisers
Advertisers
Advertisers
MAAARI nang muling mabili sa merkado ang iconic na Reno liver spread brand matapos na makakuha ng certificate of product registration (CPR) mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Mismong si FDA Director General Eric Domingo ang nagkumpirma na mayroon ng CPR ang Reno liver spread kaya’t maaari na itong makabalik muli sa merkado.
“Yes, they [Reno liver spread] have a CPR,” aniya pa.
Matatandaang kamakailan ay ipina-pullout ng FDA ang mga produkto ng Reno mula sa mga shelves ng mga pamilihan matapos na matuklasang hindi ito rehistrado sa kanilang tanggapan.
Naglabas pa ng paabiso ang FDA noong Setyembre 16 at pinayuhan ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng naturang produkto. (Jonah Mallari)