Advertisers

Advertisers

IATF nagbigay na ng direktiba sa DTI at DoT sa mas maluwag na pagbubukas sa ekonomiya

0 203

Advertisers

BINIGYAN na ng go signal ang Inter Agency Task Force (IATF) sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mas maluwag na pagbubukas ng ekonomiya.
Sinabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque, inatasan na ng IATF ang DTI na magsagawa ng pag-aaral lalo na sa adjustment ng onsite operational capacity ng mga establisimento lalo na sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Inatasan na rin umano ng IATF na huwag nang isama sa curfew ang mga manggagawa, Authorized Persons Outside Residence (APOR) para sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.
Maging ang pagbubukas ng mall at mga establisimiyento ay ipinanukala na rin kasabay maging ang pagsagawa ng mga aktibidad dito pero subject pa rin ito sa DTI guidelines.
Bukod dito, binigyan din ang Department of Tourism (DoT) ng direktiba para sa operational capacity ng mga hotels sa pagpapalawak pa ng pagbubukas ng ekonomiya. (Vanz Fernandez)