Advertisers

Advertisers

Covid update: 786 gumaling; 34 nasawi; 3,139 bagong kaso

0 186

Advertisers

PUMALO na sa 351,750 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 3,139 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon ngayong Biyernes, Oktubre 16.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 621, Region 4A na may 479, Region 6 na may 176
Nakapagtala naman ang DOH ng 786 na bagong gumaling mula sa covid-19.  Dahil dito nasa kabuuang 294,865 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 34 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,531 na ang kabuuan.
May 87 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 74  dito ay recovered cases.
Samantala may 8 na kaso na naunang inulat na gumaling pero  ito ay reclassified na namatay.(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)