Advertisers

Advertisers

Bahay niratrat ng naka-SUV: 1 patay, 1 sugatan

0 256

Advertisers

Patay ang isang lalaki nang paulanan ng bala ang bahay sa Brgy. 138, Balut, Tondo, Maynila Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na Alfredo Roy Elgarico, ng Younger St. Tondo, Manila.
Sa ulat, 8:00 ng gabi nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin ang tirahan ni Elgarico kung saan naroon din ang bayaw nitong si Jay-r Castolome na nasugatan.
Ayon sa report, unang binaril ng mga gunman si Castolome at nang tutulungan ni Elgarico ang bayaw, binaril siya ng mga salarin.
Nasa 12 basyo ng 9 mm at kalibre .45 na baril ang narekober sa crime scene.
Ayon kay chairman Victor Hepte, Jr., ng Brgy. 138, sakay ng SUV at may suot na mask at sumbrero ang mga gunman,
Blangko pa ang pamilya ng mga biktima sa posibleng motibo sa pamamaril pero dati nang may kaso ang dalawa na may kaugnayan sa droga at ilegal na baril.
Aminado rin si Roylyn Elgarico, asawa ng nasawi at kapatid ng sugatan, na napagbintangang naghagis ng granada ang magbayaw sa Raxabago Police Station.
Noong 2014, nakulong ang mga biktima pero na-dismiss din ang kaso.
Tatlong salarin ang pinaghahanap ngayon ng mga pulis.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)