Advertisers

Advertisers

BAD ELEMENTS, BAWAL SA ‘NEW BASECO BAYWALK’

0 260

Advertisers

MAHIGPIT ang babala ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga masasamang elemento na huwag pamahayan ang New Naseco Baywalk dahil hindi niya ito papayagan.

Kasabay nito, hinikayat ni Moreno ang mga residente na ipaalam sa kanyang tanggapan ang anumang iligal na aktibidad na nagaganap sa komunidad ng Baseco.
Hiniling din ni Moreno sa mga residente na kaagad na ipaalam sa city hall, sa mga pulis kung may makikita sila na sinuman na wanted sa batas.
“Ayokong pamahayan ng kriminal ang Baseco, sinabi ko ‘yan nung unang pag-upo ko pa lamang. Kung meron pang nakikinig na tolongges at hahalubilo sa mga mapayapang tao, umalis na kayo rito, uubusin ko kayo rito,” ayon kay Moreno
“Yan ang commitment ko sa inyo… ang payo ko lang, may panahon pa ng pagbabago… magbago na kayo. Tumira kayo rito kung kayo ay maayos, mapayapa, di kayo nanga-api ng kapwa mahirap. Welcome kayo dito pero para makihalubilo kayo gusto ng kapanatagan, konti nalang ang tulog n’yo. Pupuyatin ko kayo,” dagdag pa ni Moreno.
Sinabi ni Moreno na ang reputasyon ng isang komunidad ay nakasalalay sa mga mamamayan.
Ayon kay Moreno, may sariling presinto ang komunidad ng Baseco na makakatulong para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar. (ANDI GARCIA)