Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAGPALABAS na kahapon ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbabayad ng 13th month pay ng pribadong sektor.
Sa inilabas na Labor Advisory No.2020-28, “Pursuant to Article 5 of the Labor Code of the Philippines, as renumbered as Presidential Decree No. 851, requiring employers in the private sectors to pay the rank-and-file employees, this Guidelines is hereby issued:”
Saklaw nito ang lahat ng rank-and-file employees sa pribadong sektor na mabigyan ng 13th month pay, anuman ang position, designation, employementt status, na nakapagtrabaho ng di bababa sa isang buwan sa calendar year.
Hindi dapat na mas mababa sa 1/12 ng total basic salary na kinikita sa loob ng calendar year ang ibibigay na 13th month pay.
Ang minimum amount ay dapat ibigay ng walang pagtangi o prejudice sa existing company practice at policy, employment contract or collective bargaining agreement, kung mayroon man.
Dapat na maibigay ng employer ang 13th month pay bago o hanggang Disyembre 24, 2020.
Nakasaad din dito na hindi tatanggap ng request o application for exemption sa pagbabayad ng 13th month pay o deferment o pagpapaliban na magbigay.
May kautusan din si Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat na magsumite ng report ang mga kumpanya sa naging provision ng 13th month pay na hanggang Enero 15, 2021.
Nakapaloob sa isusumiteng report ang pangalan ng kumpanya, magkano ang ibinigay na 13th month pay sa bawat kawani at kung magkano ang kabuuang halaga na naipagkaloob sa mga empleyado. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)