Advertisers
ISANG buhay na sanggol na babae na nakalagay sa sako ang natagpuan sa tambak ng mga basura sa Calbayog, Samar.
Sa ulat, inakalang ungol ng kuting ang nadinig ng nakakita sa sanggol na umiiyak.
Kinupkop muna ang sanggol ng pamilyang nakakita sa rito, at kinalaunan ay kinuha ito ng mga tauhan ng barangay para dalhin sa ospital.
Maayos naman ang kalagayan ng sanggol, maliban sa ilang kagat sa mukha ng mga insekto.
Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nagtapon sa sanggol, at kung sino ang kaniyang mga magulang.(PFT team)