Advertisers

Advertisers

Sino si alyas Padre sa Customs?

0 403

Advertisers

Txt Brigade, isang kaibigan nating broker sa Customs ang nagkuwento tungkol sa hirap na dinaranas niya sa paglabas ng bagahe nya sa Customs. Mayroon daw isang alyas “Padre lagay mo dyan” ang nagpapahirap sa kanya at mga kasama niyang broker. Walastik!!! bigtime pala itong alyas Padre na ito. Sana matunugan ito ni Commissioner Jagger. – Concerned citizen

Laging paasa si Pangulong Duterte
Txt Brigade, nagsalita na naman si Pangulong Duterte na sa Abril ay mayroon nang bakuna sa covid-19. Posible raw mula sa Russia or China. May nakahandang pera na raw siya para pambili ng bakuna. Naalala ko, few months ago ay inanunsuyo niyang by Nobyembre o Disyembre ay may vaccine na. Tapos paulit-ulit din niyang sinabi na “wala tayong pera pambili ng vaccine, mangungutang pa ako.” Ano ba talaga, Mr. President. Parang pinaglalaruan nya lang tayong mga Pinoy. Tulad ng pramis nya noong nangangangampanya palang siya na “3 to 6 months” ay wala nang droga sa bansa. Anyare? lalong naging talamak ang droga sa Pinas. Pabagsak nang pabagsak na ang ekonomiya ng Pilipinas dahil dito kay Duterte. Pinaglalaruan nya lang tayo. Ewan! – Mata ng Bayan

Bola ng jueteng sa harap ng Camp Bagong Diwa
Report ko po ang bolahan ng jueteng dito sa harap ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sa likod ng Sabile Clinic. Dati raw itong operator ng STL na nag-operate nalang ng jueteng dahil sa laki ng utang sa gobierno. Pamanmanan nyo na lang po. Wag nyo i-post ang numero ko. – Concerned citizen

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">