Advertisers
Laro Ngayon
AUF Gym
(4:00PM)
Terrafirma vs Rain
or Shine
(6:45PM)
San Miguel vs TNT
PINAMUNUAN ni Paul Lee ang opensiba ng Magnolia Hotshots kontra NLEX 103-100, sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup bubble game sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Naisalpak ni Lee ang three-point basket at nakakuha pa ng foul sa nalalabing 32.5 seconds sa laro.
Nagresulta rin ito sa pagka-fouled-out ni Anthony Semerand.
Itinuturing ni Magnolia head coach Chito Victolero na team effort ang naging panalo nila dahil sa pagiging agresibo ng kaniyang mga manlalaro.
Umiskor ng tig-19 puntos sina Jio Jalalon at Chris Banchero, habang bumakas ng 18 points si Lee at 13 puntos mula kay Mark Barroca.
Samantala, nasungkit naman ng Meralco Bolts ang buwemanong panalo laban s Alaska Aces 93-81.
Kumamada ng 17 points si Allen Maliksi habang nag-ambag ng 15 si Baser Amer.
Ito naman ang ikalawang sunod-sunod na kabiguan ng Alaska.