Advertisers

Advertisers

P204m shabu nasamsam sa 3 tulak

Andaming mabubuang nito kung 'di nahuli...

0 205

Advertisers

NASA 30 kilo o mahigit P200 milyong halaga ng shabu ag nasamsam ng mga awtoridad sa magkarugtong na buy-bust operation sa Parañaque City at Taguig City, Miyerkules ng gabi.
Dinakip ng mga taga-Drug Enforcement Group ng Philippine National Police (PNP-DEG) ang tatlong lalaki na tinuturing na supplier sa ilalim ng ‘Golden Triangle Syndicate’.
Nakuha sa loob ng sasakyan sa Bayani Road, Waterfun, Taguig ang 18 kilo o P122.4 milyong halaga ng shabu 10:00 ng gabi. Nahuli rito ang 33-anyos na online seller na si alyas “Ibrahim”.
Sa report, supplier si “Ibrahim” ng 2 tinuturong tulak na nahuli sa naunang buy-bust 6:30 ng gabi sa Don Bosco, Parañaque.
Kinilala ang 2 na sina alyas “Omal” at “Abdul” na kapwa taga-Upper Bicutan, Taguig.
Nasabat kina “Omal” at “Abdul” ang 12 kilo o P81.6-milyong halaga ng shabu, na batay sa nakitang lalagyan ay galing ito sa Golden Triangle Syndicate .
Sinusuplayan din ng grupo ang mga Chinese na nasa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Patuloy pa ang pag-follow-up operations ng pulisya sa iba pang kasabwat ng grupo.(Gaynor Bonilla)