P200m ISMAGEL NA LAPTOP SINALAKAY NG OMB SA BULACAN
Ipamigay nalang sa mga estudyanteng walang gadgets sa online learning...
Advertisers
SINALAKAY ng mga operatiba ng Optical Media Board (OMB) at ng mga pulis ang isang bodega na ginagamit na taguan ng mga luma at recycled na smuggled laptop sa Marilao, Bulacan.
Sa report ni OMB Chairman Atty. Christian Natividad, nasa 5,000 desktop computers at 8,000 refurbishes laptop na nakalagay sa iba’t ibang kahon sa loob warehouse na inuupahan umano ng mga negosyanteng sangkot sa smuggling sa bansa.
Nabatid na karamihan ng smuggled electronics gadgets ay nagmula sa Korea, Japan at China.
Lumitaw rin sa imbestigasyon ng OMB na pinapalitan ng technicians ang mga piyesa ng smuggled gadgets para magmukhang bago at maibenta ng mahal sa merkado.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang tunay na may-ari ng mga smuggled na produkto.
Plano ngayon ng OMB na i-donate na lamang ang mga nakumpiskang laptop at desktop computers sa mga estudyanteng walang gamit sa blended learning ng Department of Education. (Thony D. Arcenal)